Hello! ako po pala si Eric at isa po ako sa wedding photographers sa team ng Eyestrain Photos & Motion. More than a hundred weddings na po ang napagdaanan namin at daang daang couples na po ang napasaya namin sa aming mga wedding photos at video. At dahil po sa aming experience ay gusto ko lang po ibahagi at pagusapan natin ang Postnup Shoot. Maaaring madami na kayong nakitang ganito pero hindi nyo lang alam na postnup shoot na pala yung tawag dun, kaya gusto ko lang din po talakayin ang topic na ito upang masmagka idea po ang ibang future couples na ikakasal para maslalo pa po nila mapaghandaang mabuti ito :)
ANO ANG POSTNUP SHOOT?
Ang Postnup Shoot ay ang photo/video shoot na ginagawa karaniwan pagtapos ng wedding ceremony at bago magpunta sa wedding reception. Ang Postnup Shoot ay isang Optional Shoot , hindi mandatory at hindi din required na gawin palagi pero ito ay kadalasang ginagawa pa din dahil nabibigyan ng pagkakataon ang mga photographers at videographers na makagawa pa ng mga exclusibo at karagdagang ispesyal na magagandang shots para sa couple upang lalo pang maging memorable at masmaipakita pa ang kagandahan ng pag iisang dibdib ng bagong kasal.
SINO MGA KASAMA DAPAT SA POSTNUP SHOOT?
Ang mga kasama sa Postnup Shoot ay ang Bride, Groom, Bestman, Maid of Honor, mga lalakeng abay at mga babaeng abay. May mga pagkakataon din na pwedeng wala na yun mga abay at yung bagong kasal na lang ang shinushoot sa postnup (depende po sa choice ng couple).
Ang mga larawang sumusunod po sa baba ay ilang halimbawa ng mga shots na nagagawa po sa postnup shoot. Opo tama kayo, yun mga magagandang portrait shots na magkasama na po yun bagong kasal at lahat ng kanilang mga abay ay sa postnup shoot po palagi ginagawa.
GAANO KATAGAL ANG POSTNUP SHOOT?
Para po sa aming mga photo/video team karaniwan ay nirerequest po namin na sana maglaan ang couple ng dedicated 45mins or 1hr para sa kanilang postnup shoot upang masmadaming ispesyal na shot pa kaming magawa at maibigay para sa couple.
SAAN GINAGAWA ANG POSTNUP SHOOT?
Kadalasan ang postnup ay ginagawa na din po sa lugar na pinagkasalan or sa magandang paligid ng lugar na pinagkasalan nila upang hindi na lumayo at makatipid din sa oras. Kung sa simbahan kinasal ay kadalasan sa paligid lang din ng simbahan o kaya sa harap ng simbahan , dahil ok din kung meron kayo nung tinatawag na kapilya shot or church shot para may remembrance kayo kung san kayo kinasal.
BAKIT PAGTAPOS PA NG CEREMONY GINAGAWA ANG POSTNUP SHOOT?
-Dahil may mga couples na mas prefer nila or may tradisyon na masgusto nila unang magkita pa lang sa wedding ceremony, kaya sa postnup ay saka pa lang din pwede pagsamahin sa group shots ang mga abay na lalake at abay na babae.
-May mga pagkakataon na hindi sapat ang oras sa PREPARATIONS para gawin ang Postnup Shoot
-Para maisali pa sa SDE ang videos/photo na magagawa sa postnup upang lalo pang mapaganda ang SDE
-At higit sa lahat, mas tama at mas komportable din po kasi ang couple na magkiss na sa photos at videos nila pagtapos na ang kanilang kasal. Kaya sa postnup shoot ay pwede na yun mga poses na may kiss
May mga couples din naman na gustong nagdededicate ng madaming time para sa kanilang postnup shoot at masgusto nilang ginagawa in advance sa PREPARATIONS pa lang nila. Para pagtapos ng ceremony ay kaunti at masmabilis na lang ang gagawing postnup shoot at masmabilis silang makakapunta sa reception. Parang dun na lang nila gagawin yun mga poses na may kiss since nashoot naman na karamihan ng postnup group shots with their abays in advance sa preps pa lang.
ANONG ORAS MAGANDA GAWIN ANG POSTNUP SHOOT?
Depende na po ito sa couple. Kung experiensado po ang Photo&Video team na napili nyo tulad namin kahit maaga pa o madilim na ay kaya pa din po namin pagandahin ang postnup shots nyo kahit anong oras pa mangyari ito. Pero may mga couple kasi minsan na may preferred na gustong shots sa postnup nila.
Yung iba gusto daw nila may sunset shot sila sa postnup nila, pero dapat itiming nila syempre ang tapos ng ceremony nila na malapit na sa sunset. At may view din talaga ng sunset sa lugar ng kasal nila.
Yung iba naman gusto nightshots ang postnup nila
at yun iba gusto gumamit ng fireworks sa postnup nila, pero masmakikita lang mabuti ang fireworks kapag mejo madilim na kaya maganda gawin ang postnup sa gabi pag may fireworks.
While may mga couples din na mas prefer nila maliwanag na daylight pa din ang postnup shoot nila, ikonsider nyo din po sana na pwede lang natin gawin maliwanag na daylight pa ang postnup shoot nyo kung maaga na may araw pa matatapos ang ceremony nyo.
Meron din ibang couples na gustong magpashoot ng postnup shots sa venue ng reception nila, pero para po magawa ito ay dapat mayroon pong holding area para sa mga bisita habang ginagamit ang reception area sa postnup shoot
BAKET HINDI GINAGAWA ANG POSTNUP SHOOT PAGTAPOS NA LANG NG RECEPTION?
-Kadalasan po kase pagod na din ang couple pagtapos na ang reception at malapit na din po matapos ang time limit sa reception venue.
-Para masmakapag pahinga na lang din po ang couple pagtapos na reception nila at masmakapagpaalam at spend din po ng quality time na lang ang couple sa mga guests nila pagtapos na ang reception.
-Kapag after reception pa lang po ginawa ang postnup shoot ibig sabihin ay hindi na din po maisasali sa SDE ang mga shots na magagawa dito.
Ito po ay ilan lamang sa mga dahilan kaya gusto din po talaga namin masulit ng couple ang postnup shoot nila bago po magsimula ang reception.
FINAL WORDS ABOUT POSTNUP Shoot.
Dahil ginagawa kadalasan ang Postnup bago mag wedding reception , alam naman din po namin na ayaw nyong pagintayin ng matagal ang mga bisita nyo sa reception pero gusto ko lang din po iremind ang mga couples na ispesyal na araw nyo po ito. Normal lang po na isipin nyo ang mga bisita nyong nagiintay sa inyo pero sana po ay isipin nyo din ang sarili nyo bilang bagong kasal at sana ay bigyan nyo din po ng oras ang sarili nyo para sa inyong postnup dahil minsan lang din po kayo ikakasal, lahat po ng magaganda at memorable shots na magagawa natin sa postnup ay sa inyo din po lahat mapupunta at magiging part din po ng inyong special memories :)
Pero para po maiwasan din mainip at magintay ng matagal ang mga bisita sa reception ang iba pong couple ay pinagpaplanuhan din ng mabuti ang time management nila sa kasal. Ang ginagawa pong diskarte ng ibang couple at wedding coord ay naghahanda po sila ng mga bagay na pwede paglibangan o pagkaabalahan ng mga bisita tulad ng photobooth, mga pinipilahang food cart, meryendang pika pika at iba pang pwedeng pansamantalang pagtuunan ng pansin ng mga bisita habang nagiintay sa couple sa reception.
Sana po ay nakatulong kahit papano sa mga future na ikakasal ang munting writeup na ito upang maslalo nyo din po mapaghandaan pa ang postnup sa wedding day nyo. Lagi nyo din po sanang isipin na kampi po lagi sa inyo ang photo&video team nyo at ang tanging hangarin po lagi namin ay maslalo po mapaganda at memorable ang photos&videos sa wedding day nyo :)
亚博体育 亚博体育 亚博体育 亚博体育 开云体育 开云体育 开云体育 开云体育 乐鱼体育 爱游戏体育 华体会体育 华体会体育